|
May 22, THURSDAY
10pm nagkita kmi ni lovely para matulog sa may UMC. 3am kasi ang alis namin ng UMC. ok naman, kaso si rolf kasi, may pinapakitang pix sa laptop nia, e nakatitig kami ni love.punyemas lumiutaw si 'the grudge'. badtrip ung tili ni lovely rinig sa waltermart. nabingi ako patio ako napasigaw dahil sa gulat ni lovely. Love, payo ko lang, wag ka na magkakape. tingin ko mag2-12 na ako nakatulog non.
May 23 FRIDAY worst...hndi nag alarm!!isang matinding eksena ang sumunod dahil 2:15am kami nagising.e lahat kami maliligo pa!maryahosep!edi ok lang cge paspas kilos..bilis. nakabili pa naman ako mini breakfast sa canteen ok lang basta mainitan tiyan.
5am:nasa domestic airport na.siempre simula na ng pagpapakyut namin ng mga CASTFRENDS kong sina nedds,dhal,love,rolf at ako. Flight went fine dahil intubated ako sa biahe..nagising lang ako nasa gtna kami ng isang senaryong napakagnda..tanaw ang islands ng pilipas..luscious green trees.. mga bundok.. dagat na kulay sky blue talaga..super ferry na naglalayag..ulap na mapuputi..ganon..in short,wla pa kami sa cebu..natulog nalang ako ult.pero bglang nagikot ung stewardess..na asawa ni anjo yllana-si jackie manzano..eion.. wlang pumansin sa knya..hehe.
6:15 am Nasa Mactan Airport na kami..Bound for cebu city port, sasakay ng ocean jet papuntang tagbilaran Bohol. ewan ko ba sa tourguide namin kung bakit hindi pa dumirecho ng flight sa Tagbilaran e may airport dn naman dun. Anyways,SUPER FIRST time kong makasakay sa ganon. Lantsa. Ok naman experience hindi maalon..ska sa biahe, dun kami nagbreakfast..at pagkakain,prente!!tulog ang lola! ginising ako ngkatabi kong si Emma nung nasa Tagbilaran na kami..
9am:SA Tagbilaran,Pagbaba namin ng OceanJet. May combo! Kala namin ganun sila sumalubong sa turista.Un pala,may delegado from abroad na darating,akala nila,kami mga delegado!sayang ang effort nila,mukhang angbibigat ng trumpeta nila at may beke na sila kakaihip un pala, hindi kami ang guests na inaasahan nila. Anyway, Nagbus kami..simula na ng paglalakwatsa. 20minutes lng nasa BLOOD COMPACT Shrine na kami.Known as SANDUGO.dun nag'pirmahan' ng kontrata mg Pilipino noon,at bilang pirma,lahat sila sinugatan ang sarili,pinatakan ng dugo ung mga papeles..tpos,30minutes lang kami dun.
Sunod ay Ang famous BACLAYON CHURCH pronounced as Bac-layon.hindi bakla-yon..juding un tita.hehe.OLDEST CORAL STONE-MADE church sa Visayas. Visit sa Museum nila. at ang pinagkakaabalahang picture taking kada ikot. Next stop:: TARSIER!! well,ang pinuntahan namin eh ung mga tarsier sa tabingdaan,hindi ung mga nasa zoo.nakakapit lang sila sa halaman na kasing taas ng tao.7 tarsier ang nakita ko at masasabi kong lahat sila, nakakaaliw. MAlalaki mata nila,parang jolina.Tapos,ung buntot parang sa daga.ung paa at kamay,webbed.Tapos kasing laki lng sia ng palakang bukid. Ung isa don,ayaw pahawak. Nagagalit,pag nagagalit sila,nilalabas nila ang etchos nilang ipin.Wag mong pipisilin ang buntot nia kasi nababakla dw mga un.hehe..Ung isa don,sbrang bait..gstong gsto nia ang picturan..dun kami nagkagulo..at siempre,4 lang kaming may-ganon pictuire sa batch...a closer look with the TARSIER..hehe..bonggang bongga,favorite ko ang pic na un.Ung isang tarsier,ubod ng tamad. para siayng naka-valium ng 50mg.hindi nagigisng!kahit yugyugin ko ang puno,d natitinag.siguro post-op sia,may booking the previous nyt,or patay na sia. Ito ang unfair,sabi ng caretaker dun,bawal hawakan.e may nakasabay kaming mga koreano..aba,nagbgay lang ng won(pera ng korea) ang mga singkit n un,binigay naman ng caretaker ang mga paslit na tarsier,kulang nalang ipagbili nia. lokong pinoy!
Next Tourist attraction, LOBOC RIVER CRUISE!! Nakita namin ang ilog (dahil umulan dw kagabi,hindi sia green)ok pa rin, LOBOC river pa din naman un. Super eat-all-u-can ang tema,buffet pa.mostly seafoods,fish,veggies.although may meat,e ako mas nasarapan ako mamapak ng inihaw na isdang magkalaki-laki.tapos kumain ng seaweeds na binabad ng sa suka at sibuyas na may paminta..masarap sia!only in Bgy Loay!hehe.tpos may mga batang kumanta..siguro sila ang loboc children's choir?ewan ko lang,sumayaw pa nga eh.hehe.AfterLunch dumirecho na kami sa LOBOC HANGING BRIDGE! nakakatakot tawirin dahil ang kitid ng kawayan kahit na may hawakan pa!susmaryosep!hehe..pagkatawid e bumili ng konting souvenir,(na wla naman akong nagustuhan),nag ice cream nalang kami! hehe..
After non,mga 20 minutes biyahe, narating naman ang MAN-MADE Forest.Para kang nasa Nebraska sa ganda ng mga puno..Man Made lang pero parang natural sia..Super picture lang ulit.Then after 30 minutes ng biahe,Narating na namin ang much-awaited na CHOCOLATE HILLS.. AAkyat ka sa 300+ na steps.binilang namin un pero nakalimutan ko na kung ilan. Pagdating sa taas,nangilid ang luha ko sa ganda ng view..sbrang ganda..greenish na ewan ung mga hills..ang dami-dami!!More than 1000 sila..kahit saan ka tumingin,san ka umikot,chocolate hills ang view.. Edi kodakan na ulit..wlang tigil na kodakan.. Nung pababa na kami, may tumawag sa aking koreano, lalake, sabi nia, "can we have a picture" e may hawak siang camera, so akala ko, kukunan ko sila nung frendsters nia. Un pala, ako ang gsto niang kasama. Sus! edi yon, pinagbigyan ko nalang.hehe.. Sabi nia, 'wait for your picture in Cebu times tomorrow. E hndi ako nakabili ng diaryo, sayang, artista na sana ako sa cebu. hahaha.
Tpos,3pm na non pabalik na kami Tagbilaran, 2 hours biahe. Nagdinner kami sa chicken ati-atihan..masarap ung grilled chicken nila..hehe..sirang sia ang diet ng mga kasama ko dahil nga ang sasarap ng kinakainan namin. After dinner, Nagcheck in na kami sa VEST Pension Haus, 3 minutes away from Tagbilaran City,Ang bayan na laging binabati ni Cesar Montano dahil tga dun sia. hehe. Hndi pa tapos un.. Pagkababa ng gamit, kumuha lng ng pera, tapos go na kami sa Bq Mall. Naghanap ng pasalubong!ay maria!hehe..carry lang.. Tpos 9pm umuwi na din kamikont. Malaki ung room. 2 queen sized bed, isang kama na single-dun si rolf.hehe..tabi kami ni ate dhal, tapos si neds at love sa isa. konting kainan ng chichirya kahit nakalagay sa rooms na "NO EATING INSIDE THE ROOM". Naligo isa-isa..pero nag-maiba-una pa kami sa paggamit ng banyo dahil 5 kami,eion.NAaala ko pa, ending non ng PATAYIN SA SINDAK SI BARBARA. Nakuha pang manuod nila rolf at Lovely.Jusko! Natulog na ako ako nun dko na alam kung anung oras sila natulog.
May 24, Saturday 530am Una akong nagising dahil katabi ko ang telepono, nagring.. sabi sa kabilang line, 'gudmorning, mam breakfast is ready!' ang sarap ng ganong gising..ung pagbangon mo may food na..hehe..tapos pasarap ka lang sa mga lakad..haiz!! tapos chineck ko lahat ng mga nakasaksak!!TV nakabukas, mga battery ng digicam, celphone, mp3 na nakacharge, lahat nakasaksak.buti d lumiyab kahit overcharged mga un. Edi un na,d na kami naligo dahil puro beach naman ang pupuntahan namin. Pagkakain ng breakfast,off na kami to Panglao Island.. I saw the famous ALONA BEACH, super fine white sand na mala-asukal ang buhangin! well..hindi pala kami dun magsswimming, dun lang ang daan papuntang PAMILACAN ISLAND, dun marami at magandang mag DOLPHIN WATCHING. 7am nasa gitna na kami ng dagat. Mailap ang dolphin, puro buntot lang. siempre kodakan ito!! haha. Mga 8am nagdecide kami na pumunta na talaga sa destinasyon namin, kaso...bglang naglitawan ang napakaraming dolphin..kaliwat kanan ang talunan nila.. may nakikisabay sa bangka, may nagpapahabol,nagpapacute.hehe. edi un, super sulit ang watching..
direcho na kami sa BALICASAG ISLAND.. SUPER famous for SNORKELLING! First time kong gagawin un so super orientation.haha..madali lang namain matutunan,3 minutes lng lecture.hehe.ayun,lusong na. dun ako nakakita ng AQUARIUM na napakalawak!! CLOSE ENCOUNTER sa mga mini-fish na color blue,orange,red,yellow,corals,giant star fish, seahorse,basta wlang kasing ganda!mas mgnda pa sa puerto galera at boracay.Malinis sia,super linaw ng tubig na parang tap-water lng.pero napaka-alat!ilang baso nainom ko pucha,creatinine ko nagshoot ata sa 500.ahahaha.. dinala pa kami nung guide sa 'cliff' sa ilalim ng dagat..isang malaking PAKSHET!! nakakatakot!parang bangin sa ilalim ng dagat na napakadilim! pucha,umalis ako kaagad dun kasi parang may hihigop sayong undin.tang-inis na lugar un. basta sbrang ganda nia.may mga fish sa corals na naglalaro, tpos nagfeed kami..kinakain nila ung crushed skyflakes..lalapit sila sayo pag nilabas mo un..so super lapit nila sa palad mo,mababait sila..gsto ko ngang iuwi eh..wlang kasing ganda.. after 1 hour snorkelling,sumuko na ako.ang dami ko na kasing naiinom na tubig-dagat,nasusuya na ako sa alat. Edi umahon kami at nagbanlaw.tpoas mega stroll na!!nilakad ang half ng balicasag island..nakapaa take note!wlang bato ung beach..virgin sia sbra.wlang basura,wlang kalat,wlang NPA.haha..Comedy part.inakyat namin ang life guard house.nauna ako sa taas ska si lovely..tapos nung si neds na umaakyat, nabali ung hagdan!! ay nakoh!! tpos,habng nagmomoment kami,may lumapit na life gaurd..tresspassing na dw kami.hahaha...Bumalik na kami sa beach namin tapos Mega picture lang na walng humapy..inikot ang kabilang Panig ng island para magpapicture sa malaking tarpaulin na nakalagay.. BALICASAG ISLAND MARINE SANCTUARY...kami lang may picture dun!! hehe.. Then naglunch sa tabing dagat..siempre inihaw na isda..hehe.. Tapos bumalik na ng Panglao..Tulog ako sa bangka,1hr lang naman biahe.
Pagkaging ko nasa ALONA BEACH na kami ulit..Dumaan lang sa BOHOL BEACH CLUB..Magkakatabi lang kasi un. dun maraming Turista,feeling nasa Austarlia ka sa dami ng Australian, Korean, American. Tapos Nagbus papunta sa isa pang famous DUMALUAN BEACH RESORT sa PANGLAO Island. Un ang Kanilang mini-boracay.. Wala kami gaanong picture dun dahil after 3o minutes na swiming, na-excte na kami magbanlaw dahil sa kati ng tubig-dagat.. Nainis pa ako dahil naiwan ang body wash ko sa banyo!grrr!! Isa pang Comedy part, nagtitimer kami ng camera, tapos, bglang may dumaan na trak!! kamusta naman sia e nagsignal kami na magpipicture kami.dumirecho pa din sia..ang ending, kasama sia sa pictuire, nakatingin sa camera, nakangiti pa..putakte!! tapos nauna kami sa bus,kaya nagvideoke kame..ahaha..
After 20 minutes na biahe, nasa BOHOL BEE FARM na kami. May seminar pa kaming natendan naglecture sia ng life span ng bubuyog, pano sila nagawa ng honey, tungkol sa queen bee, pano nagkakaron ng queen bee, un! Ung BEE RESTAURANT nila, lahat may honey. lahat herbal.. fennel, dill leaf, cassava.. bumili ng makasaysayang HONEY SPREAD na pag pinapak mo, para ka ng kumain ng braso de mercedes na cake.ganun kasarap. Ung GARDEN SALAD nila..sbrang UNIQUE! lettuce, tomatoes, cheese, bougainvillea, rose petals, white onions, shredded cabbage, etc.. masarap sia in fairness!d mo ramdam at lasang rose petals sia!. hehe.. Tpos, Last stop e HINAGDANAN CAVE. Ung place, hindi mo aakalaing may kweba sa ilalim ng lupa.. hagdan lang sia paibaba..tpos maliit lang ung cave..na may malalim na bukal ng tubig sa loob..nag-ikot dhil maraming souvenir shops..dun ako nakabili ng tshirt at ang collection kong magnet at keychains na pasalubong sa mga katropa ko sa ER.. Nagdinner kami sa VEST Pension Haus ng 630 tapos pumunta kami ng ISALND CITY MALL. Mas malaki kaysa sa BBC mall pero mara siayng SM. Mas malayo nga lang, 15 minutes ride..pero ok lang, mas mura dun ang PEANUT KISSES na SPECIALTY NG BOHOL. MAsarap naman kasi in fairness. Kung ang BAGUIO PEANUT BRITTLE, ang Bicol e PILI NUTS, ang BOHOL-Peanut kisses...
May 25, Sunday Time to leave BOHOL.. Sadness ang bilis ng araw pag nag-eenjoy ka sa ginagawa mo.. (kahit magastos..hehe) Sumakay ulit ng Ocean Jet, tumambay kami ni lovely sa taas.. ang ganda panoorin ng alon..ang tahimik.. tingin tingin lang sa islands ng Pilipinas.. Ung mga batang naninisid ng piso, totoo pala un.. Nanlilimos sila sa mga barko, lansta, tapos pag hinagisan mo ng piso sa tubig, sisisirin nila un..mga 5 y/o swimmer na..
Tapos mga 9am nasa CEBU na kami ulit.. Pumunta ng TAOIST Temple sa BEVERLY HILLS. Nagwish sa wishing well dun kay Fisherman. Tanaw ang CEbu City.. Direcho ng FORT SAN Pedro. Counterpart ng Fort Santiago sa MAnila. Kuta din sia ng mga Pilipinong Hukbo noon.. Hideout ba. Kumain ng Libreng makopa.hehe..Next is the Ever-know MAGELLAN's CROSS sa CEBU CITY.. tabi lang ng CEBU Cathedral. Naglunch sa Eat all u can na kasumpa-sumpa sa dami.. parang barrio fiesta pero mas masahol pa. hahahaha.. Sunod is TABUAN Market. Un ang kilalalng kilala basta kailangan mo ng tuyo or dried seafood..dun lang sa palengkeng un! pwde pa credit card astig! amoy daing tuloy kAmi pagpunta sa LAPU-LAPU SHRINE..dun daw sia dumaong nung mag a-eyeball sila ni Magellan... Centuries ago!!! Sbrang historical nia. Tapos, Dumaan ng MCDO para magtake out ng merienda and early dinner... Pagdating ng airport ng 5pm..delayed dw ang flight namin!!shet!!10pm pa dw!! aantayin pa namin ang craft galing DAVao!!anung petsa na!!! e kaso, nalibang kami dahil andun si DJ DURANO..artista sia sa MY GIRL nila KIM CHUI at Gerald.. ay nako!! picture taking sila... hahaha... ayoko sorry.. nakatali na ako..heheh.. edi un na.. natulog lang ako sa airport, pinagkasya ang sarili sa upuan.. nagpakabingi sa MP3.. nagdaldalan.. nagbrowse ng picture sa digicam at wlang humpay na kwentuhan ng mga sangkaterbang bloopers.. MASAYA sia. 11:20 pm kami nakaalis ng CEBU..omigosh.. at dahil sbra ang tulog ko sa airport..d ako nakatulog sa eroplano..mga katabi ko, intubated GCS 3. ineenjoy ko nalang ang tanawin.. tinatanya ko kung nasang lugar kami from Cebu, dumaan ng Marinduque, Ganon..Batangas.. Enjoy tgnan ang mga ilaw.. parang kandila sila sa dilim ng paligid..
Nakarating ak ng bahay 1:20 am na, May 26 na.. at duty ako ng araw na un, night duty..
SOBRANG GaNDA ng BOHOL, especially ng BALICASAG ISLAND.. i cant afford to miss that ISlaND.. sbrang worth-visitng, worth-exploring..I will miss a portion of my life kung d ko un nakita.. and IM SO LUCKY na NAKITA KO ang ganon kagandang CREATION ni Lord.. Nothing compares...
|