Matagal naming pinagplanuhan ang lakad na to.. June 2008. Si mam Roxanne ang promotor.. ako daw ang tour guide.. Lahat sila d pa nakapunta ng Baguio, kami ni KUYa paul at patrck ang Guide.. hehe. Sa wakas, natuloy ang lakad. 2weeks ahead,nagpabook na ako ng bahay..nagplano ng sasakyan..at itenerary na niresearch ko..Ü
OCTOBER 2, THURSDAY
10PM : Kita kita sa VICTORY BUS TERMINAL sa Pasay City.
11pm na biahe ang kinuha namin dahil 6hours biahe.. so sakto lang kung 5am-6am kami dadating sa Baguio including stop overs. natawa kami nila dhal kasi..may madre.hehehe..ayw nila kaming tantanan..
We are 8 in the group.. Lovers Paul & Aimee, Patrick, Shella, Dhal, Roxanne, Rolf, and me. Matatag si Patrick, shorts ang suot. kaya dw nia ang lamig. wla dw siang dalang pants. isang jacket lang kaya na dw nia magsurvive. (cge tgnan natn). bago kami bumiahe chineck ko ang weather ng Baguio City, 13-22 degrees.. isang malaking shet. cge nga masubukan.
Sa biahe, d ako nakatulog! galing kasi ako ng night duty..nasanay ako ng gsing sa gabi. nagdaldalan lang kami ni Shella. Nagstop over sa Tarlac, Nag-milo. Then katext ko na ang may aring bahay na tutulyan namin. 3am nasa Pangasinan na kmi. 1 hr nalang nasa Baguio na.. napabilis ata ng drve ang drver namin.. hehe.. exactly 4:40 nasa Baguio city kami. bago bumaba, sinot ko ang jacket. nakapatay na ang aircon ng bus. Foggy na ang bintana. Pagbaba ng bus! ay nako!! FREEZER!!! paki-OFF ANG AIRCON! SI Patrcik sising sisi! Buti nlng andun na sundo namin..dinala kami sa aming bahay..
OCTOBER 3, FRDAY
Up and down ung bahay, 4 bedrooms, may kusina, banyo, kumpleto ng gamit, 3 TV, may DVD, bsta andun lahat ng kailangan namin.. 3 days stay..6k..super mura dba.. kaysa maghotel! nagbreakfast muna kami. dun ako nakaramdam ng sama ng pakiramdam..super kinabag ako sa biyahe..at nahihilo ako sa antok.. kaso sila..kating-kati na paa!! si ate rox din masama na pakiramdam.. ay nako.. no lumakad pa din kami after breakfast. Punta kami sa makasaysayang BURNHAM PARK.. Nagboatride all u can..kumain ng STRAWBERRY TAHO.. iniistraw!!ay ginoo! masaya magsagwan..hehe..nakaka-muscle!haha. Akala namin, malapit lang SM BAGUIO.Nilakad namin from burnham.Shet ang layo pala! sa Session rd kasi un, akala namin malapit kasi abot tanaw.tang inis ang sakit sa paa! dun kami ng lunch..tpos namalengke ng pangdinner-inihaw.. then umuwi..2pm tulog kaming lahat..kanya kanya ng pwesto.kahit wlang electrc fan, malamig.kahit sarado bintana..malamig pa din.dko alam san galing ang lamig.buti wlang multong nagpakita..ahahaha..
Nagising ako ng 4pm..nasa tabi ko si ate rox, tabi nia si rolf, sila borlogs pa..pag akyat ko sa taas.. lahat din sila ate aimi tulog..ay sarap! maayos na pakiramdam ko eh..hehe.. Domperidome lang katapat. Nanuod ako TV..ganun lang..tapos naligo..hehe..buti may heater. ikamamatay ko kung wlang heater. hahaha. Then isa-isa silang nagising..Ngapiktuyran lang ng wlang humpay.. After dinner, nanuod ng OUIJA. Horror na ewan..maganda din ung movie..bitin nga lang.. Maganda executions nila Judy Ann, hehe.. Tpos napagpasyahan namin na sa isang kwarto lang matulog. sa taas..maluwag kasi kwarto dun.inakyat namin mga comforter at unan,sa lapag kami natulog..hehe..
OCTOBER 4, SATURDAY
530 nagising ako dahil sa tawag..dko nakatulog dhil tinawag na ako ng banyo..tnamad naman ako maligo dhil ang tagal uminit ng heater..nagready ng almusal..SCENARIO: sachet ng baguio oil. mainit na kawali. ako ang maglalagat ng mantika. sbrang tgas!! parang shampoo ang mantika.. ang siste..natalsikan ako! shet talaga ang saket. after breakfast.. direcho na kami sa mga itenerary.. nagsimba kasmi sa LOURDES GROTTO.. umakyas sa ilang daang hagdadn..binilang namin ngunii nakalimutan ko na kung ilan.. nawiling bumili ng muffler!!haha..maymga tndahan na pala sa Loudres, sa gilid..dati kasi wla.. Igorot ang nakatambay dun.
next, MINES VIEW PARK..dito ako napagod.. Nagpapicture kami ng nakacostume ng Igorot..naaliw ang ibang turista kaya nagpapicture din sa amin!!hai, kung pwde lang maningil ng talent fee, sna may naipamasahe kami pauwi.. hahaha.. Nagpaicture kami sa artistang aso na si DJ... isang St. Bernard na kahit yakapin mo e d ka sasakmalin kahit d ka nia kilala.. inikot namin lahat ng tindahan sa MINES VIEw.. sumpa!!!! hahaha.. pero enjoy..dun din kami nglunch overlooking ang MINES..nakalimutan ko name..basta merong kalderetang kambing.. enjoy sia.. hehehe..
BOTANICAL GARDEN konti lang ang tao..konting pic lang din kami...konti flowers e..tag-ulan ba naman kami pumunta.. Then WRIGHT PARK..laging may patimplalak ang mga kabayo dun..Inakyat ulit namin ang napakataas na hagdan patungong MANSION..ay sos.. nanakit ang katawan namin ever... From there, nagtaxi kami pa-GOOD SHEPHERD CONVENT..bumili ng ube jam, strawberry jam, etc..pinayaman ang Good sheperd.. masarap naman kasi talaga.. Kumain ng Tinapay na my strawberry jam at uminom ng strawberry juice.. hehe.. Then ung half sa amin, umuwi, 4 kami nila Shella, Patrick at Dhal na namalengke.. Pagkauwi ihaw-ihaw..dinner.. Nag-ukay-ukaykaming 3 nila rolf at dhal, kahit maulang cary lang..may souvenir jacket na ako..hehe..dko nga lang alam kung buhay pa may ari non.. wehehehe... tapos, paguwi namin, nag iinuman na sila.. tamang kwnetuhan ng mga bagay na hindi karapat-dapat ilagay sa blog na ito..dahil napakapribado..tanging kaming 8 lamang ang nakakaalam.. hehehe... naglaro ng baraha..nagdayaan..nagbatukan.. nagpahiran ng lipstick..1am na kami napagod..natulog...
OCTOBER 5, SUNDAY
Early Morning,kailangang maligo..long day eh..Pumunta na kaming CRYSTAL CAVE. Nakilala namin ang sikat na artista sa buong pilipinas.. ung laging gumaganap na MULTO. hahaha.. ganda ng role nia. maliit lang ung cave. madumi. pero kita ung mga stalactites at stalagmites.. Mejo malayo ang crsytal cave kaya pagbalik namin ng Mcdo sa Session Road e lunchtym na..after lunch..punta na kami palengke pra bumili ng pasalubong na jams, anik-anik, at ang tanging bilin ng mama ko, SPINACH at BROCOLLI.iba nga naman pag galing ng baguio. Tapos umuwi kami ng bahay at nag-impake..LITERAL. si kuya paul at ate aimi, nag-uwi ng kabuhayan showcase.. napakaraming jams..hanggang hita ung plastc bag na lalagyan ng pasalubong lang! si ate dhal, panic buying din.. 430 pm nasa terminal kami.kumain ng early dinner sa lotsa pizza..tapos 530pm on d way na..maulan na pagbiahe namin..may bagyo dw na padating.. napakaswerte namin..dahil weeks bago kami mag-BAGUIO,maulan.pero nung nandun na kami..maaraw naman..
mga 9pm nagstopover ulit sa TARLAC.un palang so far ang masarap na VEGGIE SALAD na nakain ko..ewan ko,iba ung gulay nila.. mas crunchy.hehe.. 12:30 am na ako nakarating nag bahay, OCTOBER 7 na ang date..
So far.. nagiging masaya ang isang OUT OF TOWN depende sa mga kasama..masya kasi kasama ang FRENDS.. Maganda ung mga PLACES.. and most of all.. BONDING.. Hindi na din kasi maibabalik ang oras.. so when You are having fun.. SLOW DOWN.. para mas ENJOYABLE... KAHIt magastos in some ways, un ang hindi nabibili ng pera.. ung FUNNY MOMENTS...
Posted at 10/9/2008 10:55:35 pm by
hanniepex